Biyernes, Agosto 22, 2014

Brother Henry and Sister Blanca

kami ba ay nasa langit na?

  






Ang Kahiwagaan at Karanasan ni Brod. Henry Ester

      Nagsimulang manggamot si Brother Henry, taon 1983.  Sa mga panahong yun ng kanyang paglilingkod sa Diyos, nagkaroon siya ng isang Vision bilang isang manggagamot. Kung bakit may kadajilanan din ang lahat kung bakit siya naging isang manggagamot.  Nung mga panahong yun, nagkaroon siya ng isang panaginip. Na boung akala niya ang babae sa kanyang panaginip ay ang kanyang kapatid. Kung kaya, sa tuwing siya ay nanggagamot ang mga ibinibigay sa kanya ay kanya ring itinulong sa kanyang kapatid na maraming anak.  Ang kanyang panaginip ay "ISANG BABAE, LUMILIPAT SA ISANG MAAYOS NA TIRAHAN, KALONG ANG IMAHE NG MAHAL NA INA SA KANANG BISIG AT KALONG ANG MALIIT NA SUPLING SA KALIWANG BISIG. LUMIPAT ITO NG MADALING ARAW  AT MAY MGA KASAMANG  MARAMING ANAK NA MALILIIT. ANG PANAGINIP NA ITO AY KANYANG PINANAGINIPAN SA LOOB NG (10) SAMPUNG TAON. ANG HINDI NIYA MALIMUTAN ANG MUKHA NA INA SA KANYANG PANAGINIP. HINDI NIYA MAKILALA ANG BABAE DAHIL ITO AY WALANG MUKHA. ANG LAHAT NG IBINIBIGAY SA KANYANG PERA NA HINDI NAMAN KALAKIHAN KANYA ITON INIPON UPANG IBILI NG IMAHE NG INA. DAHIL HINDI NIYA MAINTINDIHAN KUNG BAKIT PATULOY AT PAULIT-ULIT ANG KANYANG PANAGINIP SA LOOB NG 10 TAUN.  ITO ANG KAHIWAGAAN SA PLANO NG DIYOS DAHIL WAKLANG SINUMANG TAO NA NAKAKAALAM SA TADHANA NA KANYANG PUPUNTAHAN.  NAKITA NIYA ANG IMAHE NG MAHAL NA INA , KUNG SAAN DOON NAKATIRA SI SISTER BLANCA..(KAYA PALA GUSTO NIYANG BILHIN SA AKIN ANG  IMAHE NG AKING INA.)
SA PANAHONG YUN, HINDI NIYA AKO PINABAYAAN. DAHIL LUBOS SIYANG TUMUTULONG SA AKING PAMILYA.  "NAGANAP ANG SAMPUNG TAON NIYANG PANAGINIP NOONG SINAGOT KO SI VERGIE KUNG ANO ANG GUSTO KO. ANG LUMIPAT SA ISANG MAAYOS NA TAHANAN.  SA KANYANG MGA SALAYSAY, HINDI NIYA AKALAIN NA ANG BABAE SA KANYANG PANAGINIP AY ANG MANGGAGAMOT. SI SISTER BLANCA. N A NOONG MAKITA NIYA ANG INA, NAGKAROON SIYA NG ISANG BANYAGANG DAMDAMIN NA INUKOL NIYA NA SA MANGGAGAMOT NA YUN. HINDI NIYA MATANGGAP DAHIL SI SISTER BLANCA AY NAPAKARAMING ANAK AT MAY KASAMA SA BUHAY. KAYA TINIIS NIYA ANG KANYANG DAMDAMIN, KUNG SAAN SA MGA PANAHONG YUN, TANGING PAGTULONG NA LAMANG ANG KANYANG GINAWA. (HINDI KO NAKITAAN NG ISANG MALISYA ANG PAGTULONG NI KUYA, KASI ANG ALAM KO, NAKATULONG AKO SA KANYANG KAPATID. HANGGANG SA NANGYARI ANG KAMI AY INIWAN NG AMA NG AKING MGA ANAK.KAYA PALA NINANAIS NIYANG PAKASALAN AKO, DAHIL AKO PALA ANG MISYON SA KANYANG BUHAY. NA HANGGANG NGAYON PATULOY ANG PAGTULONG. SAPAGKAT  ANG IMAHE NG AKING INA ANG SIYANG NAG-UGNAY SA AMIN NA HINDI NIYA MAKALIMUTAN. ITO ANG HIWAGA NG KAPANGYARIHAN NG DIYOS. HINDI NIYA NA ITO BINILI DAHIL SA KASALUKUYANG PANAHON, YAN ANG INA NA NANGANGALAGA SA AKING MGA ANAK... NA ILILIBOT AYUN SA KAGUSTUHAN NG DIYOS. ANG PERA NA INIPON NIYA UPANG IBILI NIYA NG IMAHE NG BIRHEN AY ITINULONG NIYA SA AMING BUHAY... ALAM KO ANG DIYOS, ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS ANG SIYANG NAG-UGNAY SA AMIN SA KASALUKUYANG PANAHON AT PATULOY NA MAGLILINGKOD, KASAMA SIYA AYUN SA KANYANG KAGUSTUHAN... PURIHIN KA OH DIYOS SA IYONG BANAL NA KAPANGYARIHAN.

SISTER BLANCA
Itutuloy....                                                                                                                                                              Kahit na nandoroon na siya sa Japan, patuloy pa rin ang ugnayan namin, naalala ko na nangako siya sa akin na pag gumaling siya at makapunta ulit siya sa Japan, ipinapangako niya na mayroon siyang sorpresa sa akin.
           Isang araw nagkaroon ako ng isang panauhin, ang kapatid ni Vergie si Kuya Henry pala, may padala pala sa akin si Vergie na isang libo, binigay niya sa akin,  Ang ipinagtaka ko, matagal siyang nakatitig sa Imahe ng mahal na Ina. Ang sabi niya sa akin , kung pwede ba daw ibinta ang imahe.  Ang sabi ko, hindi pwede Kuya kasi yan lamang ang tangi kong kayamanan.   Nakita ko na, niyakap niya ang Imahen ng Mahal na Ina. Nagpasalamat ako at umalis na si Kuya Henry. Mula noon, hindi na kami nagkita ni Kuya Henry.
             Isang araw nagkaroon ng kalamidad, at ang kubong aming tinitirhan ay bumagsak, ang tumulong sa amin ay ang kapatid ni Vergie, si Bunso, si Josephine. Pinuntahan niya kami dahil wala kaming matirhan, kasabay ng kalamidad na yun, kasabay ng pagkawala ng ama ng 6 kong anak. Hindi ko alam kung saan pumunta at kami ay iniwan... Matindi ang kalungkutan at sakit ang aming naranasan nung panahong yun kasi habang kami ay inampon ng kapatid ni Vergie (si Vergie kasalukuyang nasa Japan at siya ay bumalik, si Kuya Henry nasa probensiya, kaya pala wala siya), ang daming anank ang umaasa sa akin nang panahong yun. Doon ko nakita ang mga tao na tunay na tumulong sa amin. Marami ang naghahatid ng bigas , pera at kung ano-ano pa.  Habang ako ay naglalakad sa daan, may nag-aabot sa akin ng pera, kasi awa ang naramdaman nila sa akin. Tumagal kami ng tatlong buwan sa bahay nila Vergie.  At kung ano ang mga naririnig namin at n i Josephine.  Marami siyang mga boarder. Pinabayaan lang ni Bunso yun. Hanggang sa bumalik kami sa kubo at naayos naman yun.
             Hanggang sa dumating si Vergie galing sa Japan.  Pumunta ako sa kanila, na ngayon ang ''TAHANANG BANAL'', Lubos ang kaligayahan namin at nagkita na naman kami, nakatagpo ako ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Vergie,  Nakita ko si Kuya Henry doon sa bahay, dumating pala nang dumating si Vergie galing sa Japan.  Kung wala ako sa kanila, siya naman ang pupunta sa amin.  Nagtitiis lamang siya kahit. ganon lang aming kubo Isang hamak na Barong Barong ang aming Tahanan nung mga panahong yun. Punong -puno ng paghihirap ngunit napapagtiisan ang lahat. Walang reklamo at patuloy na sinoong ang buhay.  May itinanong sa akin si Vergie, kung ano ang gusto kong pasalubong, nung panahong yun, hindi ako nag-alinlangang magsabi kung ano ang gusto ko.  Sabi ko, gusto ko nang lumipat ng isang tirahan, dahil pinapaalis kami sa pinagtitirikan ng aming kubo, kasi hindi naman sa akin yung lupa. Yun ang sinabi ko. Ang sabi niya, walang problema kasi gusto niya akong tulungan. Kaya Miyerkules, 1996 yun, lumipat ako ng apartment dahil binigyan ako ni Vergie ng pangsown payment.  Sa loob ng isang taon, nakakatuwang, hindi kami pinabayaan ni Vergie. patuloy ang pagtulong niya sa amin. Nung mawala ang ama ng anim kong anak... natiis ko ito, at bigla dumating na gusto magbalik sa amin. Hindi ko na tinanggap dahil nalaman ko na bumalik pala siya sa kanyang pamilya.
               Sa mga panahong yun, hindi kami pinababayaan ng magkapatid at patuloy na suporta ang ibinigay sa amin.  Sa paglipas ng mga araw, na hindi namin akalain na nagkaroon ng ugnayan ang aming damdamin ni Kuya, at sinabi niya sa akin na pakakasalan niya ako, nahiya ako sa aking sarili at paano niya ako pakakasalan gayong siya ay binata at ako naman may sampung anak. Ang buhay ko nang mga panahong yun, kung saan ang alon, sumasama ako... Walang nakakaalam na pinaplano na pala ng Diyos kung paano boohin ang kaming TATLO.  WALANG NAGPLANO KUNDI ANG DIYOS..SIYA ANG HIGIT NA NAKAKAALAM SA KINABUKASAN. KAYA, PUMAYAG AKO NA MAGPAKASAL SA KANYA.   NABOO KAMI AYUN SA KANYANG KALOOBAN. MULA NG GUMALING SI SI STER GIE SA KANYANG KARAMDAMAN. NAGLINGKOD NA ITO KASA AKO. KASAMA ANG AKING ASAWA SA IISANG PANANAMPALATAYA. hANGGANG SA TAWAGING TAHANANG BANAL ITO DAHIL ANG TAO DIN NA NASA AING PALIGID ANG SIYANG NAKAKAALAM SA KATOTOHANAN KUNG BAKIT NABOO ITO.SAPAGKAT' ANG BAWAT ISA SA AMIN AY MAY KANYA-KANYANG KARANASAN NA ANG DIYOS ANG SIYANG NAGBIGAY.  ANG KAHIWAGAAN NG PANANAMPALATAYA NA PATULOY NA NAGING LAKAS NG BAWAT ISA SA AMIN. KALAKASAN NG PANANAMPALATAYA NA AMING NARARANASAN AT NAGIGING SANDIGAN NG BAWAT ISA.  PATULOY ANG PAGLILINGKOD . NA WALANG KAPALIT.  pATULOY NA SAKRIPISYO PARA SA MGA NANGANGAILANGAN.

SISTER BLANCA

              

Huwebes, Agosto 21, 2014




Hindi ko kilala si Sister Gie, nagpagamot lang siya sa akin....
Pumunta siya sa aming tahanan...ANG KUBO NA HINDI KO MALILIMUTAN....
Isang tahanan na ipinagkaloob sa akin ng Diyos  na boong puso kong tinaggap.
Dumating siya sa aming tahanan na sakbibi ng malubhang karamdaman.

Ang katanungan ko sa kanya, dahil hindi ko siya kakilala,,,
"IKAW BA AY NANINIWALA SA DIYOS"?
IKAW BA AY NANINIWALA NA AKO ANG GINAGAMIT NG DIYOS UPANG ANG IYONG KARAMDAMAN AY MAGKAROON NG KAGALINGAN?

Oo Ate, dahil alam kong ikaw ang ibinigay sa akin ng Diyos na instrumento upang ako ay gumaling sa aking karamdaman.

Yan ang kanyang tugon... Dagli ang proseso ng panggagamot ay aking inilapat sa kanya,

Sinabi sa kanya, mula sa pagamutan na ang iyong karamdaman ay wala ng kagalingan.  Milagro na lamang ang makakapagpagaling sa iyong karamdaman.  Ngunit hindi siya nawalan ng pag-asa. Humanap siya ng lunas upang maibsan ang kirot na kanyang naramdaman. Alam kong plano ng naglikha kung bakit dumating siya sa buhay ko. Bagong panganak ako noon,  Kahit bagong panganak pa lang ako, kailangan ko na siyang hawakan dahil umiral sa akin ang awa at paglilingkod sa aking kapwa.  Nang mga panahon na yun, taon 1998, kung gaanong ka-awa-awa ko siyang tinunghayan, na sobrang payat ang kanyang kabooan, at lumuluha upang siya lang ay aking hawakan...  Sa awa ng ating Panginoon, sa loob ng tatlong buwan, nagkaroon ng himala, gumaling ang kanyang karamdaman, halos boung katauhan ay sakbibi ng kasakitan. Agad siyang bumalik sa pagamutan (St. Luke's Hospital), at dagli siyang nagpatingin sa isang dalubhasang Doktor na tumitingin sa kanya, at nagtataka  kung paanong gumaling gayong malalang-malala na ang kanyang karamdaman.  Pinabalik pa ulit ito, upang tingnan muli kung talagang siya ay tunay na magaling na.  Ganon din ang resulta sa pangalawa niyang pagbalik at pagpapatingin.  Sa kapangyarihan ng Diyos, ipingkaloob sa kanya ang kagalingan na ako si Sister Blanca*Santa Romana de Siena*ang siyang ginawang instrumento para sa kanyang kagalingan.

Doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't-isa, naging tunay kaming magkaibigan... at hanggang sa kanyang pagbabalik sa Japan, kung saan nandoroon na siya naninirahan ngayon.

Ang Simula.....

Paano nagsimula ang Tahanang Banal

                

Ang aking mga larawan.....