Huwebes, Abril 2, 2015

Ang Daan ng Krus
Ang Paghihirap ni Hesukristo
ANG UNANG ISTASYON
SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN
Si Hesus ay nasa harapan ni Pilato.Mahigpit ang alitan ng mundo na kinakatawan ni Pilato, at ni Kristo. Dapat nating pipiliin kung sino sa kanila ang ating kakampihan. Ang mundo na totoong humahamak kay Kristo o si Kristo na dahil sa pag-ibig ay hinatulang mamatay. Alam ko kung sino ang aking sinunod hanggang ngayon. Ikinalulungkot ko ito! Panginoon, sabihin mo sa akin na ako ay hindi para sa mundo! Sabihin mo sa akin na ako ay hindi makakapaglingkod sa dalawang Panginoon.
(MAGNILAY)
SINASAMBA AT PINUPURI KA NAMIN O KRISTO
SAPAGKA'T SA PAMAMAGITAN NG KRUS AY SINAKOP MO ANG MUNDO.

Biyernes, Marso 13, 2015


'ANG HIWAGA NG ISANG PANANAMPALATAYA''

March 13, 2015
            Mahirap ipaliwanag ang katotohanan ng isang pananampalataya. Hangga't hindi mo nararanasan ang kahiwagaan, kaakibat sa iyong pagsunod sa kanyang kautusan ay hindi mo maunawaan kung bakit nasa sitwasyon kang itinatanong mo sa iyong sarili kung bakit  ka naririto at kung ano ang iyong ginagawa....
             Mahirap husgahan ang pananampalataya ng isang tao... kung mayroon kang nakikita na isang nilalang na naglalakad sa daan at walang bukang bibig kundi ang pangalan ng naglikha sa atin.... sasabihin ng tao siya ay nababaliw.. "Ngunit gaano natin nalalaman ang kaibuturan ng kanyang kaisipan, ng kanyang damdamin. hindi tayo maaring   maghusga, baka ang hinuhusgahan ay ang espiritu ng Diyos na pumapakaloob sa isang pinakamababang tao na ating nakikita... dahil pagdating ng sandali ikaw naman ang kanyang huhusgahan... na ang kanyang sasabihin, bakit anak ako ay hinusgahan noong ako ay mamasyal sa mundong gawa ko? Kaya't mag-ingat tayo tao... H'wag agad tayong manghuhusga sa ating mga nakikita....
              Halos 1/4 na lamang ang natitira sa aking buhay na ikaw ay nabubuhay bilang pangkaraniwang nilalang..... Sa loob ng mahabang panahon ako ay nakakulong sa isang napakagandang hawla na kung saan ikaw ay pinupuntahan ng mga tao, dahil sila ay may mga pangangailangan. Kadakilaan, pagsunod sa iyong mga sinasabi upang maibsan ang karamdaman na ninanais nilang gumaling, mga suliranin na nais nilang malutas, ano ang aking gagawin? Ano ang aking kapangyarihan upang maganap sa aking buhay ito gayong hindi ko alam kung papaanong simulan ang kanyang kagustuhan.... ngunit ito ay naganap...
               Hanggang sa dumating ang mga panahong may pinagdalhan sa akin ang Diyos .  Itinatanong ko sa aking sarili, ano ba ang ginagawa ko sa lugar na ito...? Ni hindi ko alam kung ano ang mga gawain na aking gagawin sa lugar na ito, ang sabi niya sa akin, dumito ka at marami akong ipapakita sa iyo....ilalabas kita sa iyong kinalalagyan at dito mo makikita ang samu't-saring tao at kanya-kanyang pag-uugali.  Lubhang napakahirap gampanan, ngunit kinakailangan kong maging matatag sa lugar na kung saan ako nandoroon....Sa patuloy kong paghingi ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagagawa, lalo lamang itong nararagdagan at doon ka makibaka sapagkat' doon mo mapagtanto ang kalakasan ng iyong pananampalataya...
                Dito, nakikita ko ang iba't-ibang anyo ng mga suliranin ng tao, ang kahirapan  na dinaranas, ang kapighatian na dala-dala ng bawat nilalang.... Kaya pala ako pinalabas ng Diyos sa aking kinalalagyan upang makita ko kung ano ang nagaganap sa labas ng hawlang aking kinalalagyan. 
                 Mas marami anak ang nangangailangan sa labas ng iyong kinalalagyan...."yun ang kanyang winika sa akin" magpakatatag ka sa lugar na kung saan sementadong gubat ang iyong kinalalagyan at marami ang mga serepente't leon na mababagsik na iyong makakasagupa, masasaktan ka kung hindi ka magiging matibay. Ngunit' nasa tabi mo ako at patuloy na gagabayan hanggat'  ikaw ay  maybuhay  at ang iyong pananampalataya ay sa akin lamang. 
                                                         "  O DIYOS AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO"
                                                                 SA IYONG KAPANGYARIHAN AKO AY 
                                                                      NAKAYUKOD SA IYO.... ANUMAN
                                                                           ANG KAUTUSAN, SUSUNOD
                                                                                     LAMANG AKO... 
                                                                                       SAPAGKAT'
                                                                                  ANG IYONG ABANG
                                                                                       LINGKOD AY
                                                                                       ALIPIN MO.

                                                                                           AMEN.

                                                                                   SISTER BLANCA

                                                                                                                
INANG GUADALUPEINANG GUADALUPE