Huwebes, Abril 2, 2015

Ang Daan ng Krus
Ang Paghihirap ni Hesukristo
ANG UNANG ISTASYON
SI HESUS AY HINATULAN NG KAMATAYAN
Si Hesus ay nasa harapan ni Pilato.Mahigpit ang alitan ng mundo na kinakatawan ni Pilato, at ni Kristo. Dapat nating pipiliin kung sino sa kanila ang ating kakampihan. Ang mundo na totoong humahamak kay Kristo o si Kristo na dahil sa pag-ibig ay hinatulang mamatay. Alam ko kung sino ang aking sinunod hanggang ngayon. Ikinalulungkot ko ito! Panginoon, sabihin mo sa akin na ako ay hindi para sa mundo! Sabihin mo sa akin na ako ay hindi makakapaglingkod sa dalawang Panginoon.
(MAGNILAY)
SINASAMBA AT PINUPURI KA NAMIN O KRISTO
SAPAGKA'T SA PAMAMAGITAN NG KRUS AY SINAKOP MO ANG MUNDO.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento